Kalong-kalong ang bagay na gawa sa kawayan, si Mang Berto ay patuloy na binabagtas ang kahabaan ng kalsada. Punong-puno ng alikabok ang kanyang paang halos narrating na ang lahat dako, kasabay ang tsinelas niayang nakaririwasa lang ng kaunti sa gamit ng pulubi. Awa ang aking naramdamn sa pagmamasid sa matanda. Marahil ay nagrereklamo na ang kanyang tiyan, ngunit ang nakakainis ay walang magawa ang tulad ko. Naisip ko tuloy, sino ang kawawa siya na dapat tulungan o ako na walang magawa kundi magmasid lang Hindi man ako nalilipasan ng gutom dama ko pa rin ang hirap na natatamasa ngayon. Sinundan ko ang mata, huminto siya sa may kanto, kumatok, pinagbuksn ng matanda, matandang puno ng perlas na palamuti sa katawan. Humingi ang matanda ng tubig, dali-daling pinatawag ng ginang ang katulong, sabay sambit ng ganito, “Honey ba’t nagaun ka lang,” hinalikan ng matanda ng ginang binati ng ganito, “Asawa ko dala ko na ang dekorasyon para sa magara anting tahanan. Umalis ako na umiiling, mukhang naloko ako, bigtime pala ang loko!!!!!
(Ginawa habang hinihintay ang isang kaibigang lumabas sa isang establishment na kaharap ng St. Agnes, wala akong magawa lowbat kasi ako!)
No comments:
Post a Comment