Thursday, February 18, 2010

Para sa mga nakatali na ngunit naghahanap pa

Tahimik ang paligid. Ang tanging palamuti ay ang makukulay na bulaklak na nagpapagaan sa mga nagmamasid habang nakaupo sa matatabang luntiang damo na nagpapagaan sa pakiramdam ng mga taong nagpapahinga, pati ng mag pulubi na waring nagseselos sa kagandahan at kulay ng mga bulaklak.
Sa kabila ng kagandahan nila, nakakapagtakang walang paru-pao ang dumadapo sa mga ito. Wala ring gutom na bubuyog na kadalasan ay mainagay na sunisipsip sa tamis ng bulaklak.
Habang nabibingi ako sa sobrang katahimikan ay siya naming pagpasok ng pulutong ng mga taong hindi mo kakakitaan ng anumang bakas ng kasiyahan, namamayani sa kanilang mga mukha ang pagdurusa. Ngayo’y aking napagtanto ang dahilan kung bakit hindi pinapakialaman ng bubuyog at paru-paro ang mga kaakit akit na bulaklak ito ay dahil alam nilang may nagmamay-ari na sa mga ito.

(Isinulat habang iniisip ang katahimikan sa sementeryo)

No comments:

Post a Comment